Sa isang ambush interview sa Senado, sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na sisimulan na nilang tugisin sa lalong madaling panahon ang mga suspek na sangkot sa araw-araw na patayan sa mga lansangan sa bansa.
Partikular aniya ang mga suspek sa mga kaso ng riding-in-tandem na gabi-gabing kumikitil ng buhay ng tao.
Bukod sa riding-in-tandem, target rin ng PNP na paigtingin ang kanilang kampanya upang tuluyang malinis sa mga ‘scalawag cops’ ang kanilang hanay.
MOST READ
LATEST STORIES