Dela Rosa, ‘nagi-guilty’ sa pagbagsak ng rating ng Duterte admin dahil sa kapalpakan ng PNP
Inamin ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na nakokonsyensya siya dahil sa posibilidad na ang mga kapalpakan sa hanay ng PNP nitong mga nakaraang buwan ang naging dahilan kung bakit bumagsak ang satisfaction rating ng administrasyong Duterte.
Dahil dito, humihingi ng paumanhin si Dela Rosa sa pangulo at sa administrasyon dahil sa naging epekto ng kanilang kampanya kontra droga sa imahe ng pamahalaan.
“We feel guilty. We’re very guilty. Sorry. Sorry na kami ang nagbigay ng dissatisfaction sa mga tao towards the President,” pahayag ni Dela Rosa.
Ayon kay Dela Rosa, kahit hindi na sila ang mangunguna sa anti-drug war, mananatili ang kanlang police visibility operations upang hindi na makaporma pa ang mga kriminal.
Kahapon, ipinag-utos na ni Pangulong Duterte na bitiwan na ng PNP ang pangunguna sa gyera kontra droga at sa halip ay ipaubaya na ito sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.