2 sakay ng motorsiklo sugatan sa aksidente sa EDSA

motor erwin 2
Kuha ni Erwin Aguilon

Sugatan ang dalawang sakay ng motorsiklo sa aksidenteng naganap sa EDSA, kaninang umaga.

Ang aksidente ay nangyari sa southbound lane ng EDSA malapit sa Scout Borromeo sa Quezon City.

Ayon sa driver ng van na si Melvin Pamada, ang nasabing motorsiklo ay bumangga sa gutter bago bumangga sa minamaneho niyang van.

Pero sinabi ni Reiz Miranda, driver ng motorsiklo, siya ang binangga ng van.

Dinala sa East Avenue Medical Center ang nasabing driver ng motor dahil sa tinamo nitong sugat sa katawan.

Maliban sa nasabing aksidente na naitala sa EDSA-Scout Borromeo, isa pang aksidenteng sangkot ang motorsiklo ang naganap din sa bahagi ng EDSA Balintawak.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) agad ding naialis sa lugar ang mga sangkot na sasakyan.

Read more...