Comelec Chairman Bautista impeached na sa Kamara
Sa ginawang sesyon ng Kamara, isinumite ni House Justice Committee Chair Reynaldo Umali ang pagbasura ng kanyang komite sa inihaing impeachment laban kay Bautista.
Gayunman, sa botohan ng mga mambabatas 75 ang bumotong YES para sa dismissal at 137 para naman ma- impeach si Bautista at dalawa ang nag-abstain.
Magugunitang ibinasura sa botong 26-2 ng mga miyembro ng komite ang inihaing impeachment kay Bautista dahil sa insufficient in form.
Paliwanag ni Umali, mali ang ginamit na verification form na ginamit ng mga complainant na sina dating Rep. Jacinto Paras at Atty. Ferdinand Topacio sa reklamong impeachment kay Bautista.
Dahil na-impeach na si Bautista, gagawa na ang Kamara ng article of impeachment na siyang ipapadala sa Senado na tatayong impeachment court.
Si Bautista ay inireklamo ng betrayal of public trust, culpable violation of the Constitution may kaugnayan sa hindi tamang pagdedeklara ng SALN, Comeleak at pagtanggap ng komisyon mula sa Divina Law.
Kaninang umaga ay nagbitiw na sa kanyang pwesto si Bautista epektibo sa pagtatapos ng kasalukuyang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.