“Secret sana ito pero kapag dumating na ang barko na magbababa ng shipments malalaman nyo rin”, ayon sa pangulo.
Ang nasabing balita ay inihayag ng pangulo sa gitna ng kanyang talumpati kaugnay sa groundbreaking ng housing projects para sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa San Miguel, Bulacan.
Inihayag rin ni Duterte na magbibigay pa ang China ng mga dagdag na sniper rifles para sa mga sundalo.
Nakiusap rin sa kanyang mga tauhan ang Commander-in-Chief na maghintay pa ng kaunting panahon dahil gagawi siya ng paraan para makabili ng mga dagdag na makabagong armas para sa militar.
Muli ring inulit ng pangulo na hindi na aasa ang pamahalaan sa mga donasyon na mga segunda-manong military hardware partikular na sa U.S.
Hindi na bale umanong bumili ng mas mahal na mga armas basta’t bago ang mga ito na magpapataas rin sa morale ng mga kawal ng pamahalaan.
Nangako rin ang pangulo ng dagdag na housing projects para sa mga miyembro ng AFP at PNP.