Isinisi ni Sen. Leila De Lima sa malawak na impluwensya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakabasura ng Korte Suprema sa kaniyang hirit na ipawalang bisa ang arrest warrant hinggil sa mga kasong kinakaharap nito na may kinalaman sa ilegal na droga.
Ayon kay De Lima, lubhang nakalulungkot ang naging pasya ng Mataas na Hukuman.
Giit ng senadora, sana’y naunawaan ng mga mahistrado ang pakiramdam ng isang inosenteng taong nakulong bunga ng paghihiganti ng nakaupong pangulo.
Ang desisyon umano ng mga mahistrado ay kahayagan ng tinatawag niyang “Dutertism” na pumipigil sa katotohanan at sumisimbolo sa pang-aapi at political persecution.
Samantala, nagpasalamat naman si De Lima sa anim na mahistradong pumabor sa kaniyang petisyon dahil aniya sa kanilang paninindigan.
Tiniyak ng senadora na itutuloy nito ang kaniyang laban at kasalukuyan umano ay naghahanda itong maghahain ng motion for reconsideration.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.