Arestadong mga big time drug personalties patuloy sa pagdami ayon sa PNP

By Mark Makalalad October 11, 2017 - 03:19 PM

Inquirer photo

Sa gitna ng mga puna at batikos na puro mga small time lamang ang kaya ng mga pulis sa war on drugs, ipinagmalaki ngayon ng Philippine National Police na aabot na sa mahigit  1,000 ang bilang ng mga high value targets (HVT) na kanilang naaresto.

Sa tala ng PNP Directorate for Operations, sa kabuoang 8,315 na target, umabot na sa 1, 473 ang bilang ng kanilang mga naarestong ‘big fish’ sa iligal na droga.

Aabot sa 145 sa kanilang mga target ang napatay habang isinasagawa ang operasyon at 105 naman ang homicide cases na iniimbestigahan pa.

Ayon kay Police Director Camilo Cascolan, bukod sa mga naaresto, ang nalalabing 3,489 HVTs ay sumuko na at patuloy na binabantayan ng mga otoridad.

Samantalang ang 3,103 na iba pa ay patay na, sumasailalim sa rehabilitation at kinukunsidera nang nagtatago.

Posible rin daw na nangingibang bansa na ang mga ito.

Sakop ng mga numerong ibinigay ng PNP ang buwan ng July 1, 2016 hanggang September 19, 2017.

TAGS: Carlos, drug personalities, high value targets, PNP, Carlos, drug personalities, high value targets, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.