24 mga bangkay ng Maute members nakuha ng militar sa Marawi City
Umaabot sa 24 na bangkay ng mga miyembro ng Maute group ang narekober ng militar sa loob ng main battle area sa Marawi City.
Ito ang kinumpirma ni Lt. General Carlito Galvez Jr., pinuno ng Western Mindanao Command.
Ayon kay Galvez, Labingwalong mga bangkay ang nakuha sa isang gusali sa main battle area, habang ang anim na iba ay narekober sa iba’t ibang lugar.
Mga Maute fighters daw ang mga bangkay na natagpuan at isa sa mga ito ay banyaga.
Samantala, sinabi naman ni Galvez na mas lumiit ang lugar na okupado ng Maute kung saan nasa tatlong hektarya na lamang ang kanilang sakop na lugar sa kasalukuyan.
Nauna nang sinabi ng AFP na tatapusin na nila ang bakbakan sa Marawi City bago matapos ang buwan ng Oktubre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.