Panyo at suklay ni Atio Castillo, natagpuan sa loob ng Aegis Juris library

By Mariel Cruz October 11, 2017 - 12:37 PM

Kuha ni Cyrille Cupino

Natagpuan ng mga pulis ang ilang personal na gamit nga hazing victim na si Horacio Castillo III sa opisina ng Aegis Juris Fraternity.

Sa isang panayam, sinabi ng ama ni Atio na si Horacio Jr., na nakita ng mga pulis ang panyo at suklay ng kanilang anak sa loob ng frat library.

Bukod pa aniya ito sa nakitang hazing paddles at pamphlets ng Aegis Juris, at maging mga bakas ng dugo sa sahig ng frat library.

Sinabi naman ni Carmina Castillo na palaging may dalang duffel bag si Atio, at nasa loob nito lagi ang nasabing suklay kung kaya’t naaalala niya ito.

Dagdag pa ni Horacio Jr., palaging nasa Aegis Juris library si Atio batay na rin sa mga Uber receipts nito.

Una nang sinabi ng primary suspect na si John Paul Solano na dapat ay sirain ang mga naturang ebidensya na nakuha sa Aegis Juris library dahil sa pagkakaroon ng iregularidad sa isinagawang raid.

Naniniwala naman ang mga magulang ni Atio na pinoprotektahan ni Solano ang kanyang mga ka-brod.

 

 

 

 

 

TAGS: aegis juris, hazing victim, horacio castillo, Radyo Inquirer, ust student, aegis juris, hazing victim, horacio castillo, Radyo Inquirer, ust student

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.