Pagbibitiw sa pwesto ni Comelec Chairman Andres Bautista, iginagalang ng Malakanyang
Iginagalang ng palasyo ng Malakanyang ang naging desisyon ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista na magbitiw sa pweto.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, hangad ng palasyo ang tagumpay ni Bautista.
Sa panig ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, sinabi niya na hindi siya nagkamali sa kanyang hula na magbibitiw sa puwesto si Bautista bago pa man matapos ang taong ito.
Giit ni Panelo ang pagbibitiw ang pinaka-graceful exit ni Bautista matapos ibunyag ng kanyang asawa na si patricia na may halos isang biyong pisong pera sa bangko ang Comelec chairman.
Nagbitiw si Bautista ilang linggo matapos ibasura sa kamara ang inihaing impeahment complaint laban sa kanya.
Sa huli, sinabi ni Panelo na naiintindihan niya ang desisyon ni Bautista na magbitiw na lamang sa puwesto para mapangalagaan ang kapakanan ng kanyang mga anak.
Una nang sinabi ni Bautista na naisumite na niya kay Pangulong Duterte ang kaniyang resignation letter at personal na dahilan ang ibinigay niyang rason.
Hindi pa umano niya nakakausap ang pangulo tungkol sa kanyang pagbibitiw.
Iginiit ni Bautista na walang ex-deal sa kanyang pagbibitiw.
Dagdag pa dito, inamin ni Bautista na siya ay napaiyak ng kanyang sabihin sa mga staff niya ang kanyang pagbibitiw.
Kanya ring kinilala ang sakripisyo ng mga staff ng Comelec.
Aniya lingid sa kaalaman ng publiko ay maraming sakripisyo ang mga ito.
Ipinauubaya na niya sa Pangulo ang pagpili ng papalit sa kanya sa pwesto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.