Comelec Chairman Bautista, inanunsyo ang pagbibitiw sa pwesto
Magbibitiw na sa kaniyang pwesto si Commission on Elections Chairman Andres Bautista.
Sa kaniyang liham na naka-address sa mga empleyado ng Comelec, inihayag nito ang desisyon na magbitiw na sa pwesto sa katapusan ng taon.
“It is with deep sadness that I am informing you about my decision to resign as the Chair of the Commission on Elections by the end of the year,” ayon sa liham ni Bautista.
Sinabi ni Bautista na matapos ang pananalangin at pagsuri sa sarili, naniniwala siyang tamang pasya na magbitiw siya sa pwesto matapos na maipagpaliban naman ang Barangay at SK elections.
Aminado rin si Bautista na hindi naging madali ang desisyon pero mas higit umano siyang kailangan ngayon ng kaniyang pamilya lalo na ang kaniyang mga anak.
Ani Bautista, naniniwala siyang napagsilbihan niya ng maayos ang poll body at ang sambayanan sa abot ng kaniyang makakaya sa tulong ng mga empleyado.
Nagpasalamat si Bautista sa suportang ibinigay sa kaniya ng mga empleyado ng komisyon.
“I am thankful for the love, prayers, and support you have shown me, most especially during my most challenging times. Amid the hurtful, baseless, and malicious accusations hurled against me, most of you never left my side,” ani Bautista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.