3 aberya naitala sa biyahe ng MRT

By Dona Dominguez-Cargullo October 11, 2017 - 10:48 AM

(UPDATE) Tatlong aberya na ang naitatala sa biyahe ng Metro Rail Transit (MRT) ngayong umaga.

Sa abiso ng MRT, unang naitala ang aberya alas 9:10 ng umaga sa bahagi ng Shaw Boulevard station, northbound.

Itinaas sa category 3 ang status ng biyahe ng MRT at pinababa ang mga pasahero makaraang magkaproblema ang isa nitong tren.

Samantala, alas 10:10 naman ng umaga nang maitala ang ikalawang aberya sa Ortigas station, southbound.

Technical problem din ang dahilan ng aberya.

Ang ikatlong aberya naman ay naganap alas 11:23 ng umaga.

Pinababa ang mga pasahero makaraang makaranas ng technical problem ang isang tren sa Kamuning station, southbound.

Ngayong buwan ng Oktubre, dalawang araw pa lamang hindi nakakapagtala ng aberya sa biyahe ang MRT.

Ito ay noong October 1 at 3.

 

 

 

 

TAGS: dotr, MRT, technical problem, dotr, MRT, technical problem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.