Manila North Cemetery, may paalala sa paggunita ng Undas

By Rod Lagusad October 11, 2017 - 08:34 AM

Ngayon pa lang ay nagpalabas na ang pamunuan ng Manila North Cemetery ng paalala kaugnay ng paggunita ng Undas.

Pansamantalang ititigil ang paglilibing sa nasabing sementeryo mula October 29 hanggang November 2.

Ipagbabawal na rin ang pagpasok ng lahat ng uri ng sasakyan simula 6PM ng October 29 hanggang November 2.

Sa kaparehong araw, October 29 din ang huling araw ng paglilinis at pagpipintura ng mga puntod.

Mahigpit na ipagbabawal din ang pagdadala ng baril o anumang matutulis na bagay tulad ng kutsilyo, screw driver at iba pa.

Bawal din ang pagdadala ng mga alagang hayop, mga bagay na maingay tulad ng gitara at mga flammable na bagay tulad ng thinner.

Lubos din na ipinagbabawal ang mga inuming nakakalasing, mga bagay na may kinalaman sa pagsusugal at pagsusunog ng basura sa loob ng sementeryo.

Balik naman sa November 3 ang normal operasyon.

 

 

 

 

TAGS: Manila North Cemetery, radyo iqnuirer, undas 2017, Manila North Cemetery, radyo iqnuirer, undas 2017

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.