PNP-HPG, planong gawing 24/7 ang pagbabantay sa EDSA

By Stanley Gajete September 11, 2015 - 06:27 AM

hpgBinabalak ng Philippine National Police (PNP) na gawin ng 24/7 ang pagpapatrolya ng mga miyembro ng PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa EDSA.

Ito ay upang matutukan ng mas maayos ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng highway.

Sa pahayag ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez, hangad niyang mapabuti ang kalagayan ng mga motorista at sumasakyan sa lugar, kaya kailangan nilang pag igtingin ang serbisyo.

Pinaplanong magdadagdag ng 20 Special Action Forces ang PNP bilang pandagdag sa mga nagmamandong 150 PNP-HPG traffic enforcers.

Ang 20 SAF commandos ay sumasailalim sa pagsasanay sa kasalukuyan, na siyang inaasahang makakatulong ng PNP-HPG sa matinding trapiko sa Kamaynilaan, na dati rati ay isinasabak sa mga banta sa pambansang seguridad, at maging sa terorismo.

TAGS: HPGonEDSA, HPGonEDSA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.