Ito ay matapos lumabas sa imbestigasyon na “overweight” at “incompatible” ang mga naturang train coaches para sa riles ng tren.
Ayon kay Senator Grace Poe, parang itinapon lamang ang 526 milyong pisong budget para sa mga bagong bagon.
Sa 48 light rail vehicles (LRVs) anyang naideliver na, 29 lang dito ang may signaling system na nainstall na – na isa pang problema bukod pa sa pagiging overweight ng mga ito.
Dahil dito, hinikayat na rin ni Poe ang mga kapwa Senador na tumulong sa paghahabol sa mga dating opisyal ng DOTr.
Ang mga problemang ito ayon kay Poe ay maituturing nang grounds upang ikansela na ng gobyerno ang pagbili sa mga naturang bagon.
Ikinukonsidera na rin ni Poe ang plano ng DOTr na ibalik ang mga naideliver ng bagon sa manufacturer nito sa China.