Ex-officials ng DOTr, pananagutin dahil sa ‘overweight at incompatible’ na mga bagon ng MRT
Suportado ng liderato ng Senado ang pagpapanagot sa mga dating opisyal ng Department of Transportation (DOTr) na responsable sa pagbili ng 48 bagong bagon para sa Metro Rail Transit (MRT) Line 3.
Ito ay matapos lumabas sa imbestigasyon na “overweight” at “incompatible” ang mga naturang train coaches para sa riles ng tren.
Ayon kay Senator Grace Poe, parang itinapon lamang ang 526 milyong pisong budget para sa mga bagong bagon.
Sa 48 light rail vehicles (LRVs) anyang naideliver na, 29 lang dito ang may signaling system na nainstall na – na isa pang problema bukod pa sa pagiging overweight ng mga ito.
Dahil dito, hinikayat na rin ni Poe ang mga kapwa Senador na tumulong sa paghahabol sa mga dating opisyal ng DOTr.
Ang mga problemang ito ayon kay Poe ay maituturing nang grounds upang ikansela na ng gobyerno ang pagbili sa mga naturang bagon.
Ikinukonsidera na rin ni Poe ang plano ng DOTr na ibalik ang mga naideliver ng bagon sa manufacturer nito sa China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.