Ex-Isabela Gov. Grace Padaca, guilty sa hindi paghahain ng SALN

By Erwin Aguilon October 10, 2017 - 11:52 PM

Hinatulang guilty ng Sandiganbayan 2nd Division si dating Isabela Governor at Comelec Commissioner Maria Garcia Cielo Padaca kaugnay sa kasong katiwalian.

Dahil sa paghahain ng guilty plea Base si Padaca ay pinagmula ng korte ng tig-isang libo sa bawat kaso o kabuaang P4,000 para sa apat na bilang ng kasong paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and employees.

Nabatid sa record ng anti graft court na pinalitan ni Padaca noong Setyembre ang nauna niyang inihaing not guilty plea.

Ang kaso ay nag-ugat sa hindi paghahain ni Padaca ng kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth mula 2007 hanggang 2010.

Si Padaca ay nahaharap din sa kasong graft at malversation kaugnay ng P25M pondo na inilaan nito sa Economic Development for Western Isabela and Northern Luzon Foundation, Inc. noong siya ay gobernador pa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.