Ralph Trangia inalok ng DOJ na ilagay sa Witness Ptotection Program

By Jan Escosio October 10, 2017 - 08:12 PM

Sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na inalok nila si Aegis Juris fraternity member Ralph Trangia at pamilya nito na sumailalim sa Witness Protection Program (WPP).

Hinihikayat niya si Trangia na makipagtulungan sa otoridad at ibunyag ang nalalaman nitong katotohanan ukol sa pagkamatay ni UST Law student Horacio Castillo III.

Aniya dahil nag-aaral ng abogasiya si Trangia, tama lang ng makipagtulungan ito alang alang sa hustisya.

Dagdag pa ng kalihim na welcome development na maituturing ang pagbabalik sa bansa ni trangia.

Umaasa Ito na may magandang hangarin si Trangia at ito ay magsasabi ng katotohanan.

Inulit lang din ni Aguirre ang panawagan nito sa iba pang miyembro ng Aegis Juris fraternity na lumutang na at ibunyag ang kanilang nalalaman ukol sa pagkamatay ng kanilang kapatid sa fraternity.

TAGS: aegis juris fraternity, aguirre, DOJ, Ralph Trangia, WPP, aegis juris fraternity, aguirre, DOJ, Ralph Trangia, WPP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.