Mga kabataan target sa recruitment ng Maute group

Inquirer file photo

Nababahala si Marawi City Bishop Edwin dela Peña sa patuloy na pangungumbinsi ng Maute group sa mga kabataang Maranao na sumama sa teroristang grupo.

Nangangamba din si dela Peña na maaring maapektuhan nito ang binabalak na rehabilitasyon at pagbangon ng Marawi City kapag ganap ng natapos ang digmaan.

Idinagdag pa ng Obispo na base sa impormasyon na kanilang nakukuha may mga bagong miyembro na ang Maute group at ang mga ito ay naghihintay na lang ng utos na sumabak na rin sila sa pakikipaglaban sa puwersa ng gobyerno.

 

Tiniyak naman ni dela Peña na patuloy ang kanilang pakikipag ugnayan sa mga Muslim leaders para maliwanagan ang mga kabataan sa tunay na ipinaglalaban ng teroristang grupo.

Nauna nang sinabi ng Armed Forces of the Philippines na matatapos na ang gulo sa Marawi City bago matapos ang buwan ng Oktubre.

Read more...