PNoy, pangungunahan ang inagurasyon ng IloIlo Convention Center
Pangungunahan ni Pangulong Aquino ang inagurasyon ng bagong IloIlo Convention Center sa Lunes, Setyembre 14.
Aabot sa 3,000 katao ang kapasidad ng 2-storey convention center na nasa Business Park sa Manduria District.
Mula ang disenyo ni Ilonggo Architect na si William Coscolluela, kung saan meron itong “Paraw”- isang katutubong bangka sa Visayas, habang hango naman ang salamin sa Dinagyang Festival Art.
Gumamit naman ng indigenous stones sa façade at loob ng nasabing gusali.
Kasama rin sa isasagawang inagurasyon si Senate President Franklin Drilon, na syang nanguna sa proyektong ICC para sa lalawigan ng IloIlo.
Ayon sa ilang mga negosyante, magiging instrumento ang ICC upang magamit sa iba’t ibang mga aktibidad na isasagawa sa buong Kanluran, at ng maging sa Visayan Region.
Handa naring gamitin ang bagong tayo na Iloilo Convention Center (ICC) para sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit Ministerial Meeting sa IloIlo City.
Inaasahan namang aakit ng maraming turista at trabaho ang bagong ICC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.