Pagtatayo ng OFW Bank haharangin ng Migrante International
Kinontra ng pro-Overseas Filipino Workers (OFWs) na Migrante International ang Executive Order (EO) No. 44 na bubuo ng bangko para sa mga OFWs.
Ayon sa militanteng grupo, pagsuporta ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa “labor export program.”
Paliwanag nila, patuloy na magagamit ang OFWs para sa neoliberal policies.
Pabibilisin umano ng OFW bank ang mas mabilis na sistema ng pagkita mula sa OFWs.
Sinabi ng Migrante na hindi nito tinutugunan ang ugat ng forced migration o pigilan man lang ito.
Iginiit ng grupo na para tugunan ang suliranin sa forced migration, dapat na bigyang-pansin ng mga polisiya ng bansa ang pagpapaunlad sa pambansang ekonomiya, gaya ng pagpapalakas ng lokal na industriya at agrikultura, para lumikha ng mga trabaho sa bansa.
Sa pamamagitan ng EO 44, ang Philippine Postal Savings Bank ay magiging Overseas Filipino Bank.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.