Ayon kay Sen. Franklin Drilon, maaari pang maghain ng motion for reconsideration si de Lima sa Korte Suprema upang mabaligtad ang naunang desisyon
Paliwanag ni Drilon, kailangan lamang na kumbinsihin ng kampo ni de Lima ang 2 sa 9 na mahistrado na bumoto para ibasura ang hiling ng senadora
Sa botong 9-6, ibinasura ng Supreme Court ang petisyon ng senadora na kumukwestyon sa hurisdiksyon ng tatlong sangay ng korte sa Muntinlupa na dumidinig sa drug cases na isinampa laban sa kanya
Sa kabila nito, iginiit ni Drilon na bagaman hindi siya sumasang-ayon pero nirerespeto niya ang desisyon ng SC.
Ayon kay Drilon, sa kanyang karanasan bilang abogado at dating executive secretary, malinaw na ang Ombudsman ang may hurisdiksyon para dinggin ang kaso ni de Lima.