SolGen: Pagbasura sa petisyon ni De Lima patunay na tama ang war on drugs

By Rohanissa Abbas October 10, 2017 - 05:24 PM

Inquirer file photo

Pinatunayan ng pagbasura ng Korte Suprema sa hiling ni Senador Leila De Lima na ibasura ang mga kaso kaugnay ng iligal na droga na walang sinuman ang nakaaangat sa batas, ayon kay Solicitor General Jose Calida.

Ipinahayag ni Calida ang kagalakan sa naging desisyon ng Korte Suprema.

Aniya, taliwas ito sa tinawag niyang “maling paniniwala” na mahihirap lamang ang target ng giyera kontra droga ng Administrastong Duterte.

Sa 9-6 decision, ibinasura ng Korte Suprema ang hiling ni De Lima na bawiin ang arrest warrant ng Muntinlupa Regional Court, at ang pagbasura sa kaso ng iligal na droga na kinakaharap niya.

TAGS: calida, solicitor general, Supreme Court, War on drugs, calida, solicitor general, Supreme Court, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.