Panukalang 2-day number coding scheme ibinasura ng Metro Manila Council

By Rohanissa Abbas October 10, 2017 - 05:20 PM

Inquirer photo

Ibinasura ng Metro Manila Council ang panukalang ‘twice-a-week number-coding scheme’ ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.

Sa presentasyon ng naturang panukala sa isang pagtitipon, iginiit ni MMDA Chairman Danny Lim na mahirap gumawa ng solusyon sa nararanasang trapiko kung tuluyan ang pagdami ng mga sasakyan habang ang kalsada ay hindi nadadagdagan.

Sa ngayon, epektibo ang number-coding scheme kung saan isang araw sa isang linggo hindi maaaring bumiyahe ang mga sasakyan.

Tuwing Lunes, hindi maaaring bumiyahe ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 1 at 2; Sa Martes, 3 at 4; Miyerkules, 5 at 6; Huwebes, 7 at 8; Habang 9 at 0 naman tuwing Biyernes.

Isa rin sa mga naging panukala sa MMDA ay ang gawing one-way ang kahabaan ng EDSA at C5 Road para sa mga sasakyan tuwing weekdays.

TAGS: Metro Manila Council, mmda, number coding, Metro Manila Council, mmda, number coding

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.