Malacañang, dismayado sa pagkakabasura ng appointment ni Ubial

By Chona Yu October 10, 2017 - 03:51 PM

Ikinalungkot ng palasyo ng Malakanyang ang pagkaka-reject ng Commission on Appointments kay Health Secretary Paulyn Jean Ubial.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, malaki ang pasasalamat ng palasyo ng serbisyong ibinigay ni Ubial sa Department of Health.

Sinabi pa ni Abella na si Ubial ang naging ehemplo ng malasakit program ni Pangulong Rodrigo Duterte na “All for Health, towards Health for All” Philippine Health Agenda.

Hangad ng palasyo na gabayan si Ubial sa mga susunod pa nitong hakbangin sa kanyang buhay.

Matatandaang bukod kay Ubial, hindi rin nakalusot sa CA ang ilan pang cabinet members ni Pangulong Duterte gaya nina Environment Secretary Gina Lopez, Agriculture Secretary Rafael Mariano, Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo at Foreign Affairs Secretay Perfecto Yasay.

TAGS: CA, doh, Malacañang, Paulyn Jean Ubial, CA, doh, Malacañang, Paulyn Jean Ubial

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.