Ralph Trangia, pinag-aaralang ipasok sa WPP

By Chona Yu October 10, 2017 - 12:55 PM

Inquirer Photo | Jerome Aning

Nakahanda ang Department of Justice (DOJ) na isailim sa Witness Protection Program (WPP) si Ralph Trangia, ang pangunahing suspek sa pagkamatay ng UST student na si Horacio Castillo III.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, maari pa ring ipasok sa WPP si Trangia at posibleng maging testigo sa kaso kahit pa main suspect ito.

Pero paglilinaw ni Aguirre, depende pa rin ito sa kung anong mga impormasyon ang isisiwalat ni Trangia.

Hindi lang aniya si Trangia ang maaring ipasok sa WPP kundi maging ang kanyang mga magulang na sina Antonio at Rosemarie Trangia na kasama rin sa mga respondents sa inihaing reklamo ng Manila Police District (MPD).

Ang mag-amang Trangia ay nahaharap sa reklamong murder, robbery at paglabag sa anti-hazing law habang si Gng. Rosemarie ay inireklamo naman ng obstruction of Justice matapos itong lumabas ng bansa kasama ang anak na si Ralph patungong Amerika noong Sept 19.

Martes ng umaga nang bumalik sa bansa ang mag-ina at ayon sa kanilang abogado, handa silang makipagtulungan sa imbestigasyon.

 

 

 

 

 

TAGS: aguirre, DOJ, horacio castillo, Ralph Trangia, WPP, aguirre, DOJ, horacio castillo, Ralph Trangia, WPP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.