Sen. De Lima, mananatili sa kulungan; petisyon kontra sa arrest warrant laban sa kaniya, ibinasura ng SC

By Chona Yu October 10, 2017 - 12:38 PM

INQUIRER PHOTO | NIÑo JESUS ORBETA

Ibinasura ng Korte Suprema ang hirit ni Senator Leila De Lima na kumuwestyon sa inilabas na arrest warrant ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) kaugnay ng kinakaharap na kaso na mag-ugat sa paglaganap ng iligal na droga sa NBP.

Sa botong 9-6, mayorya ng mga mahistrado ang tumutol sa petisyon ni De Lima.

Dahil sa nasabing desisyon, mananatili sa kulungan ang senadora.

Si De Lima ay nakakulong sa PNP Custodial Center dahil sa pagkakaroon umano nito ng partisipasyon sa operayon ng ilegal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP)

Pebrero ng taong kaslaukuyan nang maghain ng petisyon si De Lima sa pamamagitan ng kaniyang mga abigado na sina Atty. Alex Padilla at Atty. Philip Sawali para kwestyunin ang hurisdiksyon ni Muntinlupa RTC Branch 205 Exec Judge Juanita Guerrero sa kanyang drug case na inihain ng DOJ.

Inihain nito sa SC ang kanilang petition for certiorari and prohibition na humihirit ng writ of preliminary injunction, status quo ante order at temporary restraining order.

Nais ng mga petitioner na ipawalang bisa ang arrest warrant ng Muntinlupa RTC Branch 204 at ipatigil ang pagdinig sa kaso.

Naniniwala ang kampo ni De Lima na walang hurisdiksyon ang Muntinlupa RTC sa reklamo ng DOJ at iligal ang naging mabilis na pagpapalabas nito ng arrest warrant laban kay De Lima

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: leila de lima, Muntinlupa RTC, Supreme Court, leila de lima, Muntinlupa RTC, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.