Bumigay na water tank sa Bulacan, walang indikasyon na sinadyang pasabugin

By Dona Dominguez-Cargullo October 10, 2017 - 10:31 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Walang bakas na pinasabog ang bumigay na water tank sa San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon sa ulat ng explosive and ordnance division (EOD), hindi nakitaan ng indikasyon na may improvised explosive device (IED) sa pinangyarihan ng insidente sa Barangay Muzon.

Lumalabas din sa pagsisiyasat na karamihan sa mga nasugatan ay dahil sa tama ng metal na nagmula sa knot hole.

Nananawagan naman ng tulong ang kaanak ng mga nasawi sa insidente.

Nais din nilang agad malaman kung ano talaga ang naging dahilan ng pagbigay ng water tank upang matukoy kung sino ang dapat na managot dito.

 

 

TAGS: barangay muzon, san jose del monte bulacan, water tank, barangay muzon, san jose del monte bulacan, water tank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.