Lalaki, arestado sa buy-bust operation sa Cubao, Quezon City

By Justinne Punsalang October 10, 2017 - 09:43 AM

Matapos ang dalawang linggong surveillance-test buy ng mga otoridad ay natimbog ang isang lalaki sa ikinasang drug buy bust operation sa tapat ng Farmers Plaza sa Cubao, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Rodel Paulino, 40 taong gulang na residente ng Ermin Garcia Street, sa Barangay Silangan, Cubao.

Nasabat mula kay Paulino ang anim na piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at limang daang pisong buy bust money.

Nasa anim na libong piso ang halaga ng drogang narekober mula sa suspek.

Ayon kay Senior Inspector Ramon Aquiatan ng Quezon City Police Station 7 na silang nagkasa ng naturang operasyon, kasama pa ng suspek ang kanyang apat na taong gulang na anak sa transaksyon.

Dagdag pa ni Aquiatan, noon namang 2015 ay nakulong na si Paulino dahil sa possession ng iligal na droga at mismong ang QCPD Station 7 ang nakahuli dito.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa detention facility ng QCPD Station 7 at mahaharap naman ito sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

 

 

 

 

TAGS: buy bust operation, drugs, metro news, quezon city, Radyo Inquirer, buy bust operation, drugs, metro news, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.