14 Rohingya refugees, patay matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa Bangladesh

By Mariel Cruz October 10, 2017 - 09:21 AM

Hindi bababa sa labing apat na Rohingya refugees, karamihan ay mga bata, ang nasawi matapos tumaob ang sinasakyang overload na bangka sa Bangladesh.

Ayon sa mga otoridad sa Bangladesh, nasa animnapu hanggang isandaan ang pinaniniwalaang sakay ng nasabing bangka nang tumaob at lumubog ito sa karagatan.

Natagpuan matapos maanod ang bangkay ng labing isang bata, dalawang babae at isang lalaki sa Shah Porir Dwip island sa Bangladesh, habang nasa labing tatlong naman ang nailigtas ng border guards mula sa lumubog na bangka.

Pinangangambahan naman na nawawala ang iba pang sakay ng naturang bangka na patuloy na pinaghahanap ngayon.

Ang nasabing mga refugee ay mula sa Myanmar na tumakas dahil sa kaguluhan.

Noong nakaraang buwan, nasa mahigit animnapung refugees ang pinangangambahang nasawi matapos tumaob din ang sinasakyang bangka sa Bay of Bengal.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bangladesh, myanmar, ronghiya refugees, Bangladesh, myanmar, ronghiya refugees

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.