Sampu na ang kumpirmadong nasawi sa wildfire na nagaganap sa Northern California at umabot na sa hindi bababa sa 1,500 na mga kabahayan at commercial buildings ang nasunog.
Dahil sa insidente, idineklara na ni California Gov. Jerry Brown ang state of emergency sa Butte, Mendocino, Nevada at Orange counties.
Ayon kay California Department of Forestry and Fire Protection Director Ken Pimlott, nasa 20,000 katao na ang inilikas at dinala sa ligtas na lugar.
Apektado rin ng wildfire ang iba pang bahagi ng Northern California kabilang ang Napa, Sonoma at Yuba counties.
Maliban sa 10 nasawi, nasa 100 na ang naitalang sugatan na pawang nagtamo ng sunog sa katawan at ang iba naman ay nahirapang huminga dahil sa nalanghap na usok.
Nakararanas din ngayon ng power interruption ang nasa 114,000 na customers sa lugar.