LPA sa Isabela, magpapa-ulan sa Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa kalupaan ng lalawigan ng Isabela.
Ayon sa PAGASA, maliit ang tsansa sa ngayon na ito ay mabuo bilang isang ganap na bagyo.
Posible umanong tumawid ito ng bansa at kung mabubuo man bilang isang tropical depression ay kapag nasa bahagi na ng West Philippine Sea.
Gayunman, magpapaulan pa rin ang nasabing LPA ngayong araw ng Martes sa Metro Manila, Central Luzon at Southern Luzon.
Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas lamang ng pulo-pulong mga pag-ulan dahil sa thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.