Dalawang lindol, naitala sa magkahiwalay na lugar sa Davao Oriental

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng Tarragona sa Davao Oriental.

Naganap ang pagyanig alas 5:16 ng umaga ng Martes sa 80 kilometers South ng Tarragona.

Ayon sa Phivolcs, hindi naman inaasahan na magdudulot ng aftershock at pinsala ang nasabing lindol.

Samantala, alas 2:24 ng madaling araw ng Martes, naitala ng Phivolcs ang magnitude 3.4 na lindol sa Governor Generoso, Davao Oriental.

Hindi rin inaasahang magdudulot ito ng pinsala at at aftershock.

Ayon sa Phivolcs parehong tectonic ang origin ng dalawang lindol.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...