Isang sub-leader ng bandidong grupong Abu Sayyaf ang napatay sa operasyon ng mga otoridad sa Tawi-Tawi.
Kinilala ni Brig. Gen. Custodio Parcon Jr. ng Joint Task Force Tawi-Tawi ang bandido na si Guro Idzri alyas Idris.
Nakipagpalitan aniya ng putok si Idris sa mga operatiba ng pulisya at Philippine Marines nang isilbi ng mga ito ang warrant of arrest laban sa kaniya sa kaniyang pinagtataguan sa Sitio Suwang Kagang, Barangay Pasiagan sa bayan ng Bongao.
Dinala pa sa Datu Halun Sakilan Memorial Hospital si Idris ngunit idineklara din siyang dead on arrival.
Dati siyang kasapi sa grupo nina Muamar Askali alyas Abu Rami, na napatay sa operasyon ng militar sa Bohol noong Abril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.