Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, ipinaalam sa kanila ng mga otoridad sa Estados Unidos na naghahanda na silang i-deport si Trangia.
Kaya nang malaman niyang bumiyahe na si Trangia patungong Taiwan, naniniwala siyang boluntaryo na lang itong babalik ng bansa kaysa ma-deport.
Ayon sa mga otoridad ng Taiwan immigration, nakasakay na ng Eva Air flight BR055 si Trangia mula sa US patungong Taipei.
Ayon naman kay Bureau of Immigration spokesperson Maria Antonette Mangrobang, sinabi sa kanila ng mga opisyal ng Taipei na titiyakin nilang makasasakay si Trangia sa Eva Air flight BR271 patungong Maynila.
Inaasahang dadating si Trangia sa Pilipinas dakong 11:20 ng umaga mamaya.
Dahil dito, nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).
Samantala, sinabi ni Aguirre na maaring maimbitahan si Trangia para tanungin, dahil wala pa namang warrant of arrest laban sa kaniya.
Hanggang sa pagbalik niya sa bansa, kasama pa rin aniya ni Trangia ang ina niyang si Rosemarie.