AFP, walang itinatakdang deadline sa gulo sa Marawi

By Kabie Aenlle October 10, 2017 - 03:35 AM

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala silang itinatakdang deadline para tapusin na ang kaguluhan sa Marawi City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, tinanong niya mismo ang mga ground troops sa Marawi tungkol dito at iginiit nila na wala silang kinumpirmang deadline.

Paliwanag pa ni Padilla, maging si AFP Chief Gen. Eduardo Año ay ayaw bigyan ng pressure ang mga sundalo dahil mauuwi lang ito sa mas maraming pagkamatay sa kanilang hanay.

Ito’y matapos lumabas ang mga ulat na sinabi umano ng AFP na kayang matapos ang mga operasyon sa Marawi sa loob ng isa hanggang dalawang linggo, o bago matapos ang Oktubre.

Si Task Group Ranao deputy commander Col. Romeo Brawner din kasi ang nagsabi na matatapos nila ang kanilang misyon sa marawi sa October 15.

Samantala, positibo naman si Año na magagawa nila itong tapusin ngayong buwan.

Bagaman nais na nila itong tapusin sa lalong madaling panahon, inaalala pa rin nila ang kapakanan ng mga nasa 20 bihag na hanggang ngayon ay hawak pa rin ng Maute Group.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.