Senado, inaprubahan na ang budget ng CHR at DWPH sa 2018
Inaprubahan ng Senado ang panukalang 2018 budget ng Commission on Human Rights (CHR) na P693 milyon.
Ang naturang bersiyon ng mataas na kapulungan ay mas malaki ng P156 milyon kung saan kasama dito ang 28.5 milyong piso na alokasyon para sa Human Rights Violations Victim’s Memorial Commission.
Una dito ay binigyan ng Kamara na P1,000 na budget ang CHR, hanggang sa palitan ito at bigyan ng P537 milyong budget pagkatapos na pakikipagpulong ni CHR Head Chito Gascon sa huli at ikatlong pagbasa sa mababang kapulungan.
Samantala, aprubado na rin ang P626 bilyong budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kabilang sa paggagamitan ng pondo ay ang muling pagsasaayos ng Marawi City kabilang ang Lake Lanao Circumferential Road na siyang makakatulong sa pag-unlad ng lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.