Negros Oriental, niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Tumama ang magnitude 3.3 na lindol sa bayan ng Sibulan sa Negros Oriental, Lunes ng gabi.

Ayon sa abiso ng Phivolcs, 10:19 ng gabi nang maramdaman ang naturang lindol na namataan sa 15 kilometer ng Sibulan at may lalim na 6 kilometers.

Naramdaman ang Intesity IV sa Dumaguete City, habang Intensity III naman sa Sibulan.

Samantala, wala namang naitalang pinsala o aftershocks ang naturang lindol.

Read more...