Malacañang hindi natinag sa banta ng Human Rights Watch

Walang bahid ng takot ang Palasyo ng Malacañang sa posibilidad na maapektuhan ang ekonomiya sa pahayag ng Human Rights Watch na maaring alisin na ang Pilipinas bilang miyembro ng United Nations Human Rights Council.

Ito ay dahil na rin sa kabiguan ng Pilipinas na pangalagaan ang karapatang pantao.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, naka- angkla sa Konstitusyon at maging sa international norms ang paglaban ng pamahalaan sa kriminalidad, ilegal na droga at iba pa.

Sinabi pa ni Abella na malakas din ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa at solido ang economic grounds.

Malinaw aniya na suportado ng ibang bansa ang pagtugon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panloob na problema ng bansa.

Read more...