ERC Chairman Jose Salazar sinibak na ng Malacañang
Sinibak na sa kanyang posisyon bilang pinuno ng Energy Regulatory Commission (ERC) si Jose Vicente Salazar.
Sa desisyon ni pirmado ng Executive Sec. Salvador Medialdea na may petsang October 2, guilty si Salazar sa mga reklamo ng grave misconduct kaugnay sa mga akusasyon ng kurapsyon.
Nauna nang sinabi ng nagpakamatay na si dating ERC Director Francisco Villa Jr. na nagkaroon ng palakasan sa loob ng ahensya kung kaya nabigyan ng posisyon si Luis Morelos.
Inihayag rin ni Villa ang iba pang mga kaso ng katiwalian na sinasabing dahilan ng pagpapakamatay nito.
Nanindigan noon si Salazar na walang naganap na rigging sa pagpili kay Morelos bilang AVP for Projects ng ERC.
Bago ang pagsibak sa kanya sa pwesto, si Salazar ay pinatawan na rin ng Malacañang ng suspension kung saan ay itinalagang officer-in-charge si deputy Commissioner Alfredo Non.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.