UST Law Dean kasama sa mga kinasuhan sa pagkamatay ni Atio Castillo
Tinuluyang isama ng pamilya ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo ang pagsasampa ng kaso kay University of Sto. Tomas Civil Law Dean Nilo Divina.
Isa si Divina sa karagdagang respondent na sinampahan ng kasong paglabag sa anti-hazing law, obstruction of justice at perjury sa supplemental complaint affidavit na isinampa ni Atty. Lorna Kapunan- abogado ng mga Castillo.
Sa kabuuan, umaabot sa 14 na bagong respondents ang kinasuhan ng paglabag sa anti- hazing law at 39 naman sa kasong perjury at obstuction of justice.
Nagsumite naman ang Manila Police District ng transcript ng pagdinig sa Senado ng Castillo hazing at kopya ng mga kuha ng CCTV sa tanggapan ng Aegis Juris Library sa Sampaloc, Maynila kung saan sinasabing ginawa ng hazing kay Castillo.
Nanindigan ang DOJ panel of prosecutors na mayroon lamang hanggang October 24 ang mga respondent para magsumite ng kanilang counter affidavit sa unang reklamo at ng karadagang limang araw para magsumite ng kanilang sagot sa supplemental complaint affidavit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.