Panukalang budget para sa OVP lusot na sa Senado

Radyo Inquirer

Inaprubahan na ng Senado ang karagdagang P20 Million na pondo para sa angat buhay o anti-poverty program na kabilang sa approved 443.95 million pesos na budget ng Office of the Vice President.

Ayon kay Vice President Leni Robredo, malaking tulong ang ayuda ng Senado dahil hindi na nila kailangang umasa sa pribadong sektor para tustusan ang mga programa na nakatuon sa food security at nutrisyon, housing, rural development, education at rural health care.

Sa ilalim ng programa binibigyan nito ng ayuda ang mga pinaka-mahihirap na lalawigan depende sa kanilang pangangailangan na hiwalay pa sa conditional cash transfer sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng gobyerno.

Sa ngayon umaabot na aniya sa 153 komunidad ang kanilang nabigyan ng ayuda o katumbas ng 75 libong mga pamilya.

Wala raw itong halong pulitika dahil nagbibigay sila ng tulong batay sa itinakdang mga criteria ng OVP.

Sa kabuuan, mismong si Senate Majority Leader Vicente Sotto ang nagsulong na maaprubahan ang pondo na nagkakahalaga na ng P443.95 Million para sa susunod na taon.

Read more...