Meralco at DOE kinastigo dahil sa dagdag singil sa kuryente
Kinuwestyon ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang naka-ambang tatlong sentimong kada kilowatt hour na pagtaas sa presyo ng kuryente ng Meralco.
Ayon kay Zarate, dapat silipin ang napipinto na namang taas-singil ng Meralco at alamin bakit lagi itong pinapayagan ng Energy Regulatory Commission o ERC.
Sinabi ng mambabatas na dapat protektahan ng ERC at ng Department of Energy ay ang kapakanan ng publiko pero iba anya ang nangyayari ngayon dahil nagiging taga-anunsyo na lamang ang ERC at DOE.
Kuwestyunable rin para sa mambabatas ang relasyon ng ERC at Meralco kasabay na rin ng kanilang ginagawang imbestigasyon sa pinasok nitong pitong Power Supply Agreements na maituturing na midnight deal kung saan kailangang magbayad ng mga consumer ng P2 Trillion sa loob ng dalawampung taon.
Sa impormasyon ni Zarate, nakatakdang magtaas ng presyo ng kuryente ang Meralco ng P6 kada buwan para sa mga kumukunsumo ng 200kwh, aabot naman sa P9 para sa kumukunsumo ng 300kwh, dagdag na P12 para sa gumagamit ng 400kwh samantalang P15 para naman sa kumukunsumo ng 500kwh.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.