Pagdilao at Tinio tuluyan nang sinibak sa PNP

Tuluyan nang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) ang dalawang “narco-generals” na kanyang pinangalanan noong 2016.

Ang mga inalis sa PNP ay sina dating National Capital Regional Police Office Dir. Joel Pagdilao at dating pinuno ng Quezon City Police District Office na si CSupt. Edgardo Tinio.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na tinupad ng pangulo ang kanyang pangako na paglilinis sa hanay ng mga pulis na siyan kabilang sa mga tagapag-taguyod ng anti-drug war campaign ng pamahalaan.

Ipinaliwanag ni Abella na noong Huwebes ay nilagdaan ng Executive Secretary ang kautusan na pagsibak kina Pagdilao at Tinio makaraang mapatunayan ang kanilang kapabayaan na nagresulta sa pagkalat ng droga sa kanilang mga nasasakupang lugar.

Magugunita na noong buwan ng Agosto, 2016 ay kabilang ang pangalan nina Pagdilao at Tinio sa mga isinapubliko ni Duterte sa tinaguriang mga narco-generals.

Makalipas ang ilang buwan ay sinabi ng National Police Commission (NAPOLCOM) na may probable cause para sampahan ng kasong administratibo at sipain sa PNP ang nasabing mga opisyal.

Read more...