LOOK: Inquirer Libre, naglunsad ng kanilang “Pasayahin ang Umaga” promo sa LRT 1 station
Inilunsad ng pahayagang Inquirer Libre ang “PASAYAHIN ANG UMAGA” promo kung saan ay libre silang namahagi ng iba’t ibang mga give-aways, souvenir items, snacks at mga inumin sa mga commuter ng LRT Line 1.
Ang Doroteo Jose Station ang isa sa mga napiling puwesto ng Inquirer Libre para ipagkaloob sa mga mananakay ng LRT ang kanilang mga pampasaya items.
Ayon kay Pher Mendoza, Chief Marketing Officer ng Inquirer Group, ang “PASAYAHIN ANG UMAGA” PROMO ay isa sa mga pamamaraan nila para maibsan ang bagot ng mga pasahero at ipakilala na rin ang Inquirer Libre sa mga mananakay.
Pinili ng Inquirer Libre ang D. Jose Station dahil sa dami ng mga sumasakay na pasahero dito pati na rin sa LRT Recto Station.
Hindi naman mapagsidlan ng tuwa ang ilang mga commuter ng LRT sa libreng biyaya na ipinagkakaloob ng Inquirer Libre.
Plano rin ng Inquirer Libre na magsawagawa ng kaparehong aktibidad sa iba pang LRT stations.
WATCH: Libre day isinagawa sa LRT Doroteo Jose at Recto station | @brozas_ricky pic.twitter.com/ryGxAA46mN
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) October 9, 2017
WATCH:Libre day isinagawa sa LRT Doroteo Jose | @brozas_ricky pic.twitter.com/9bPJxlXntf
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) October 9, 2017
WATCH: Freebies ipinamigay sa Libre day na isinagawa sa LRT Doroteo Jose at Recto station | @brozas_ricky pic.twitter.com/lBHops9Rsj
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) October 9, 2017
WATCH: Guyito present din sa Libre day na isinagawa sa LRT Doroteo Jose at Recto station | @brozas_ricky pic.twitter.com/o8DSkE12pr
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) October 9, 2017
WATCH: Guyito present din sa Libre day na isinagawa sa LRT Doroteo Jose at Recto station | @brozas_ricky pic.twitter.com/GcWW3bVf53
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) October 9, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.