FBI, muling nagsagawa ng search operation sa bahay ng suspek sa Las Vegas shooting

Binalikan ng Federal Investigation Bureau ang bahay ni Stephen Paddock, ang suspek sa pamamaril sa Las Vegas na ikinasawi ng mahigit limampu katao at ikinasugat ng halos limangdaan iba pa.

Ayon kay Police Chief Troy Tanner, ang pagsasagawa nila ng search operation sa bahay ni Paddock sa Mesquite, Nevada ay bahagi ng “re-documenting” at “rechecking”.

Wala aniya partikular na layunin ang search operation kundi ang muling pagsusuri sa lugar at pagkuha ng ilang mga litrato.

Una nang hinalughog ang nasabing bahay ni Paddock noong nakaraang Lunes ng Las Vegas police, kung saan natagpuan dito ang labing siyam na iba’t ibang uri ng baril, at ilang bagay na posibleng ginagamit sa paggawa ng bomba.

Samantala, bilang pag-alala sa mga biktima ng mass shooting, sampung minuto na nagpatay ng ilaw ang mga establisyimiento sa Las Vegas Strip.

Hanggang ngayon ay wala pa rin malinaw na motibo sa likod ng karumal-dumal na pamamaril.

Read more...