Duterte, hindi apektado sa pagbagsak ng ratings sa panibagong SWS survey

By Chona Yu October 09, 2017 - 11:48 AM

Presidential Photo

Hindi na nagulat ang Palasyo ng Malakanyang sa panibagong survey ng Social Weather Stations kung saan bumaba ng labing walong porsyento ang net satisfaction ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ikatlong quarter ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, karaniwan kasing nagkakaroon ng isang taong honeymoon period ang nahahalal na pangulo ng bansa.

Bukod dito, sinabi ni Andanar na bumaba ang rating ng pangulo dahil sa ginawang dalawang araw na national day of protest noong September 21.

Ginawa aniya ang survey noong September 23 hanggang 27 kung kaya hindi na kataka-taka na sasalamin pa rin ang galit sa gobyerno.

Gayunman, sinabi ni Andanar na hindi magpapaapekto ang pangulo at magsisilbing lighthouse at gabay ang panibagong survey para pag-ibayuhin pa ang pagbibigay serbisyo publiko.

Naka focus pa rin aniya ang administrasyon sa paglikha ng trabaho, reporma at pagbabago para maibsan ang kahirapan.

Magiging barometro aniya ang SWS survey para sa mga susunod na hakbang ng administrasyon.

Yanggap aniya ng Palasyo ang constructive criticism para ipinaalala sa gobyerno kung ano ang mga dapat gawin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.