560 na empleyado ng Bureau of Customs, promoted sa puwesto

By Ricky Brozas October 09, 2017 - 11:16 AM

Kuha ni Ricky Brozas

Limang daan at animnapung mga empleyado ng Bureau of Customs ang na-promote sa serbisyo, na sabay-sabay na nanumpa ngayong umaga.

Pinangunahan ang mass oathtaking ni Bureau of Customs Commissioner chief Isidro Lapeña.

Ayon kay Lapeña, isang paraan ang naturang promotion, upang lalo pang pag-ibayuhin ng mga kawani ng BOC ang kanilang pagta-trabaho.

Pinayuhan nito ang lahat ng empleyado, na sikaping mas mapabilis pa ang mga proseso ng transaksyon, upang maiwasan na aniya ang isyu ng korupsyon sa ahensya.

Naniniwala rin si Lapeña, na kung mapapabilis at maiaayos ang sistema, maiaalis na ang sinasabing sistema ng ‘tara’ o pasalubong sa loob ng komisyon.

Plano rin ng opisyal na mag-hire pa ng mas maraming tauhan, upang lalo pang mapag-ibayo ang serbisyo ng BOC.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.