Mga sasakyan sa EDSA, mababawasan dahil sa ipatutupad na modified mall hours ngayong ber months

By Mariel Cruz October 09, 2017 - 10:49 AM

Hindi bababa sa 600 na sasakyan na bumibiyahe sa EDSA ang mababawas kapag naipatupad na ang modified mall operating hours na magsisimula sa October 16.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Celine Pialago, ang average ng mga sasakyan na pumapasok sa mga mall sa kahabaan ng EDSA tuwing rush hour ay nasa dalawangdaan.

Magsisimulang ipatupad ang modified mall hours sa October 16, simula alas onse ng umaga hanggang alas onse ng gabi.

Sinabi ni Pialago na sa halip na alas-9:00 ng umaga, alas-11:00 na ng umaga magbubukas ang mga mall, pero ipatutupad ito tuwing weekdays lamang.

Malaking tulong aniya ang nasabing modified mall hours dahil nasa 600 na sasakyan ang mawawala major thoroughfares na katapat ng mga shopping malls.

Bagaman mayroong na silang 100 percent commitment sa mga shopping mall, hindi nila aniya maaaring parusahan kung hindi sila susunod sa bagong schedule dahil wala naman pinirmahan na memorandum of agreement.

Ipatutupad ang nasabing schedule bilang paghahanda sa inaasahang pagsikip ng daloy ng trapiko ngayong papalapit na Kapaskuhan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.