Apat na 3-star generals, pinagpipiliang papalit kay Año sa pamumuno sa AFP

INQUIRER FILE PHOTO

Inirekomenda ng board of generals ng Armed Forces of the Philippines ang apat na three-star generals para maging susunod na hepe ng AFP.

Ito ang kinumpirma ni outgoing AFP Chief Eduardo Año na maaabot na ang mandatory retirement age na 56 sa October 26.

Ayon kay Año, naisumite na ng board of generals kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang rekomendasyon para sa papalit sa babalakantihin nyang posisyon.

Paliwanag ni Año, lahat ng apat na kandidato ay qualipikado at kahit sino man ang piliin dito ng pangulo ay tiyak na kayang pamunuan ang sandatahang lakas ng Pilipinas.

Samantala, sinabi naman ni Año na sa pagbisita ni Duterte sa Marawi ay napag usapan ang pagiging kalihim ng Depertment of Interior and Local Government na iniaalok sa kanya.

Gayunman, ayaw niya muna ito pagtuunan ng pansin dahil gusto niya munang makapagpahinga matapos ang kanyang retirement.

Read more...